Vitamin C: Paano Nakatutulong sa katawan?

Isa sa pinaka mahalagang sandata sa panahong nauuso ang ibat-ibang uri ng sakit, ay ang pagkakaroon ng malusog at malakas na pangangatawan. Ang pag exercise, tamang pagkain, at pagkakaroon ng sapat na Vitamins at minerals sa ating katawan, ay isa sa mga dapat pigyan ng pansin upang ma achieve natin ito. Isa ang Vitamin C sa pangunahing bitamina na kailangan ng ating katawan para makapag function ng maayos. Kilala ang bitaminang ito bilang pang laban sa sipon at iba pang sakit. Pero Ano nga ba ang nagagawa ng bitaminang ito sa ating katawan?

HISTORY 

Dahil sa kakulangan ng kaalaman sa nutrisyon, naging isang malaking suliranin noon ang pagkakaroon ng mga sakit kaugnay sa kakulangan ng bitamina sa katawan. Noong 13th century, limitado para sa mga mandaragat ang suply ng mga masusustansyang pagkain tulad ng prutas, at gulay. Dahal dito nagdulot ito sa kanila ng pagkasira ng ipin, pamamaga at pagdurogo ng gilagid, at pag bagal ng paggaling ng kanilang mga sugat. Ang mga ito ay kabilang sa mga sintomas ng sakit na SCURVY.

Isa si James lind sa maraming siyentipikong gumawa ng pag-aaral para masulusyunang ang sakit na ito.Hanggang noong 1930’s, na diskubre ni Albert Scent-Gyorgi ang chemical na Ascorbic Acid o mas kilala bilang Vitamin C na hanggang sa kaslukuyan ay patuloy na kinikilala bilang isa sa mga pangunahing bitamina na kailangan ng ating katawan na mabisang pang laban sa mga sakit tulad ng scurvy.

Ang vitamin c ay nabibilang sa tinatawag na essential vitamins. Hindi kase ito natural na naipproduce ng ating katawan kaya naman kelangan ang pagkain ng prutas at gulay para magkaroon nito.

Production Of collagen

Isa sa pinaka mahalagang tulong na nagagawa ng Vitamin C ay ang pag gawa ng isang uri ng protein na tinatawag na Collagen. Pinatatatag ng vitamin c ang Collagen mRNA na nagiging sanhi sa pagtaas ng production ng Collagen protein sa ating katawan. Ito rin ang nagdurugtong at nag papatibay sa Buto, litid, kalamnan, ugat at pati narin sa ating balat. Ito ang tumutulong para maging elastic ang ating balat at mapabagal ang pagkakaroon ng mga wringles sanhi ng skin aging. Marami pa ang naitutulong ng collagen. kaya naman mahalaga ang pagkakaroon ng Vitamin C upang makagawa ng maraming collagen ang katawan.

Absorption of Iron

Kulang ka aba sa iron?

Ang Vitamin C ay tumutulong din sa ating katawan na maka absorb ng IRON galing sa mga pagkain na ating kinakain tulad karne at gulay. pinipigilan nito ang pagbuo ng mga uri ng iron na hindi kayang tunawin o iron na hindi kaya i-absorb ng katawan. Ang iron na makukuha sa karne tulad ng baboy, manok, baka at isda ay magandang uri ng iron na kayang iabsorb ng katawan. Meron ding iron na makukuha sa gulay ngunit mahirap tunawin at Iabsorb ang mga ito. Isang malaking tulong para sa mga vegetarian ang Vitamin C. dahil kinoconvert nito ang iron na nang gagaling sa mga gulay para madaling matunaw at madaling i-absorb ng katawan. Kaya naman maaaring mabawasan ang pagkakaroon ng anemia oh iron deficiency ang pagkain ng prutas at gulay na mayaman sa vitamin

Immune system booster

Tumutulong ang vitamin C sa pag gawa ng white blood cells tulad nalamang ng Lymphocytes at phagocytes na matatagpuan sa ating dugo. Sila ang dumedepensa laban sa impeksyon dulot ng microbyo o phatogens. Meron ding tinatawag na Free radicals sa loob ng katawan. Isang uri namn ito ng molecules na sumisira sa ating mga cells. Kadalasan ay nakukuha ang mga free radicals na ito sa ating kinakain, iniinom na gamot at pulusyon sa kapaligiran.natural din tayong nagkakaroon nito sa loob ng katawan sanhi ng puyat at stress. ang pagkakaroon ng Cancer, asthma, diabetes at pati narin sakit sa puso ang kadalasang naidudulot ng mga free radicals na ito. Kaya naman mahalaga ang pagkakaroon ng mga anti oxidant sa katawan tulad ng Vitamin c para protektahan ang ating katawan laban sa mga sakit dulot ng mga free radicals na ito.

Ang vitamin c ay hindi gamot sa sipon. Ngunit ang bitaminang ito ay makatutulong para lumakas ang ating immune system at maiwasan ang pag kakaroon ng iba poang sakit. Ayon sa ilang pag-aaral ang pag inom ng vitamin c habang ikaw ay may sipot at lagnat ay makatutulong para hindi lubusang lumala ang complication at mauwi sa iba pang sakit tulad ng pneumonia at iba pang lung infection. Kapag marami ang bilang ng free radicals sa katawan ng tao at kulang naman ang anti oxidant nito, doon nagkakaroon ng tinatwag na oxidative stress. Ang oxidative stress ang sumimisara sa mga cells, fatty acids, DNA at Protien sa ating katawan na maaraing maging sanhi ng pagkakaroon ng diabetes, heart deasease at iba pa.

Protects your memory and thinking

Dahil sa tinatawag na oxidative stress at iba pang imflammation, humihina ang memorya o bumabagal ang pag iisip ng tao lalo na habang tumatanda. Marami ang oxygen ang nagagamit ng utak dahil na rin sa metobalic activity nito. At dahil dyan mas expose ito sa mga free radicals kesa sa ibang parte ng katawan. Ang pagkasira ng mga cells sa utak ay maaaring mag resulta ng pagkababa at paghina ng memorya ng tao. Ngunit ang Vitamin c ay mabisang antioxidant upang mabalanse ang mga free radicals at mapigilan ang pagkakaroon ng sakit na dulot nito. Ayon din sa pagaaral ang vitamin c ay nakakatutulong ma relax ang mga ugat, na syang tumutulong para bumaba ang blood preasure sa katawan.

Ilan lang yan sa mga magandang naiidulot ng vitamin C sa katawan. Marami pa ang benepisyon ng bitaminang ito ang patuloy na pinag aralan ng mga experto.